Wednesday, February 25, 2015

Parenting 101: When daughter wants to have kids less the husband!

Repost from Facebook February 25, 2015 entry

Bakit ba tuwing may ni ru-rush ako saka naman nagtatanong ng napakahirap na tanong ng mga anak ko? Sadya ba talaga silang nananadya? Nagpapapansin? O dala lang ng curiousity? Ngayong gabi naman tinanong ako ng panganay ko kung ok lang ba sa akin na may 3 siyang anak pero walang asawa!!! Ito ang anak ko na dati ng nagsabi sa akin na ayaw niyang mag asawa...

Para matapos na ang usaping ito, sinagot ko siya... Bakit anak, ayaw mo bang magkaroon ng asawa kagaya ng Papa mo? Nakakatawa ang sagot nya sa akin at naisip kong, bata pa talaga ang anak ko. Sabi nya "Its just that I dont want a guy to kiss me on the lips. It looks yucky. Is it?" Sagot ko sa kanya, "Anak, when you are older you try it and see for yourself if it is yucky. For now, do not let any boy kiss you yet. Ok?!!!"

Hindi ko alam kong tama ang sinabi ko sa anak ko ngayong gabi. Ok lang din sa akin ang pagiging single parent. Ang nais ko lang sana ay enjoy nya muna ang pagiging bata nya at saka na problemahin yan kasi baka naman may religious o single blessedness calling naman sya. Sa tamang panahon, malalaman din naman nya na hindi yucky ang kissing lalo na pag love nya ang isang tao....